Monday, February 23, 2015

The end of time...

I am ending the procrastinations, Yap tatapusin ko na! Pero mukhang balikatad 'tong blog na 'to ang dapat ko ng tapusin kasi wala ng ma-post at puro paulit-ulit na lang ang mga eksena at nakakasawa na ang mga post.

Ganun yata talaga ang pagkatao ko. Mahilig magsabi na may gagawin, mahilig mangako, mahilig magplano, pero lagi naman di nagagawa, lagi namang walang natutupad. Lecheng sakit to kapapanood ko lang ng 50 Shades nagkasakit na'ko ng lubusan at walang galingan up to now, kalowkah! 

Kahapon, pinilit kong magfacebook pero talagang tinatamad na ako, so pinilit kong mag update kaso nakakasuya na din sila-sila pa din ang magvi-view at magcocomments mas minabuti ko na lang na hindi ituloy ang pag-uupload.

Pero ngayon, kailangan ko ng i-push tong ulam naming pinakbet, ilang linggo na ding puro baboy ang ulam namin haaay! Syempre mas mura mamili ngayon ng gulay medyo malamig pa ang panahon.








Ayan lang. Di ako makapaniwala, wala man lang ako kahit ilang post this February, busy nga talaga ako o nagsasakit-sakitan lang talaga.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...