Monday, August 26, 2013

Chicken Charlie

Lucky Mall
Ang i-popost ko ngayon ay ang pagbalik tanaw nung kumain kami sa Chicken Charlie. Sa totoo lang hindi ako masyadong mahilig sa Chicken kasi nga allergic ako at madalas nirarayuma agad ako. At dahil sa wala na kaming makainan ni Edmund Chua sinubukan nya akong pakainin sa Chicken Charlie well masarap siya sobra at nahanap ko na yung hinahanap ko na lasa kaya lagi na akong kakain dito kahit pa rayumahin ako.
Ayos ba? Ang inorder lang naman ni Mr. Edmund Chua ay yung Family Value Meal bahala na kung rarayumahin na naman ako bukas...
Nung una di ko alam na magvivibrate etong gadget na 'to sobrang gulat na gulat ako...
Inpernes madaming kumakain sa Chicken Charlie...
At eto ang itsura naming dalawa ni Mr. Alberto Yu nung pagkatapos kumain, masaya sa kinain naming hapunan. Oo inaamin ko panay na ang kain ko sa Chicken Charlie umiinom na lang ako ng gamot para sa rayuma, di baleng magkarayuma basta masarapan ka lang sa mga kinakain mo. 

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...