Wednesday, July 17, 2013

Masikip pa

Oo inaamin ko medyo masikip pa ang daang aking tinatahak sa mundong ito. Sa aking buhay may mga landas akong tinahak na mahirap at masikip na nagdudulot ng sakit na siyang naghahatid sa akin ng kalungkutan.  May mga pangako na hindi natupad at may mga pangarap na hindi nabuo. May mga pangyayari na dumungis sa aking pagkatao ngunit sa kabila ng lahat nagawa ko pa ring harapin ang buhay, gaano man kakipot ang daan.
"Somewhere down the road
Our roads are gonna cross again
It doesn't really matter when..."
Sa kabila ng lahat ng hindi magagandang nangyari sa aking buhay, dumating ang panahon na parang naging rainbow ang kulay ng paligid. Bawat kulay na nasa rainbow ay sumisimbolo sa bawat pangyayari sa buhay ko. Mula sa pagiging madilim naging makulay ang lahat gaya ng makasama ko lang si Angel.

1 comment:

  1. Hi. What pageant did the girl join? Thanks! Love your blog. :)

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...