Friday, June 14, 2013

Kaning Bahaw

Ciudad Clemente Resort Paombong, Bulacan
Ang Kaning Bahaw bow! ang ikalawang hain, Sa umaga karaniwan kinakain ang bahaw o kaning lamig, ngayon ko na-realize na puro bahaw na lang ang nakakain ko kada umaga o gabi, mahirap mag-isa sobra. Ngayon ko nakita ang kahalagahan ng isang Ina, dahil sa kaning lamig naalala ko kung gano niya ako kamahal... hindi dahil sa ito ang lagi niyang pinapakain sakin sa umaga kundi dahil hindi niya ko hinahayang kumain ng kaning lamig.
Anyways, gaya ng Kaning bahaw na masarap kainin sa umaga eto na ang pangalawang hain ko so sa inyo,
Para sa iba,mahalaga na ang kaning bahaw sa buhay nila, lalo na sa mga taong walang makain sa tuwing umaga. Basta ang mahalaga lang ay may mailaman sila sa nagugutom nilang sikmura. Makatawid lang sa gutom at makalagpas ang isang araw na may laman ang tiyan.
Pero syempre iba pa rin pag mainit na kanin..iba pa rin pag may halong init ng pagmamahal ng isang ina..kung gano kalamig ang bahaw..ganon din pala kalamig ang buhay na malayo ang  ina..na walang taong nag-aalaga at nag-aalala sayo.
Sa totoo lang ay may sakit ako ngayon wala namang ibang pagkain kailangan ko uminom ng gamot so kumakain ako ng bahaw...ewan ko lang kung makakarating ako sa mga events mamaya, sabi nga ni Edmund Chua pakiramdaman ko sarili ko all you need to do is uminom ng gamot at magpahinga.




No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...