Thursday, March 14, 2013

K-Pop Cosplay Con 3

SMX
Sa totoo lang, hindi ko alam gagawin ko sa sarili ko napapabayaan ko na ang tatlong stores ko, Magulo ang utak ko. At akala ko tapos na kaming magshoot sa Manila Sexiest Press Presentation naku hindi pa pala eto niyaya na naman ako sa MOA para sa Wedding Fair 2013 kaso bumagsak kami sa K-Pop Cosplay Con 3 sabi ko sa tropa eto, eto ang mas gusto ko, actually umatake na naman pagkabipolar ko ngayon gusto kong mapag-isa at magkulong sa kwarto buti na lang at pinaglabanan ko eto kundi wala etong blog post na 'to, salamat na din kay Sir Edmund Chua kasi pinakain muna ako sa Masuki para mahimasmasan (Buti may Masuki sa MOA) ang karamdaman ko at alam nya na dahon lang ng sibuyas ang katapat ko. Gustuhin ko man maging malungkot at magmukmok wala naman silang magagawa kaya nga pinigilan ko sarili ko. Pagod na ako sa totoo lang at alam kong wala naman akong mapapala sa lakad na 'to. Tapos Star Awards pa sa gabi naku kayo na lang pumunta dun kahit andun pa si Kim Chiu wala akong pakialam.
Sabi nila wala namang ipinagbago mga post dito, alam ko at hindi ko naman kayo pinipilit pumunta sa blog na eto eh buhay ko eto. Ikaw ba naman araw araw pumapasyal dito natural nakakasawa na din at pagmumukha ko pa ang makikita mo.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...