Thursday, July 19, 2012

Randomness

Para akong nawawalang bata sa gitna ng busy-busyhan kong buhay. Parang akong stupid na nilalabanan ko yung hangin papunta sa mas malayong daan, palagi. Palagi ko 'tong ginagawa. Sa gitna ng lindol, andito ako nag-iisa sa mala-haunted house kong bahay.

Isa na yata ito sa mga mahiwagang dahilan bakit hindi ako nakakarating sa tuktok ng bundok. Lagi kong tinatanaw yung bundok, ang dami kaseng makukulay na bulaklak dun na natatabunan ng snow, pero never naman ako nagkalakas loob akyatin yun. Lagi akong go na go sa kung anong kayang ibigay ng buhay, pero hanggang salita lang naman. Ay hindi... hindi sa hindi ako nagkakalakas loob, tinatamad lang talaga ako.

So, after Press Presentation ng Mutya kanina sa Midas nakaladkad na naman ako ng mga Chinese friends, para akong batang kaladkarin na inooperan ng matamis na candy nila sir Edmund, Rollie at Alberto. Bahala kayo kung saan n'yo ako dalhin, ngayon ko lang talaga nakita sarili ko sa kanila, ang lahat ng madaanan kinukuhaan, walang bawal bawal kahit ilang guard na ang nakapalibot sa amin kuha pa din ng kuha.


Zerona

Canon Center

Going to Cash and Carry
Hindi man obvious medyo masaya na rin ako sa araw na eto sa dami ng nakilala ko. Congratulations sa akin at sana makita ko ulet kayo...antok na'ko.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...