Monday, April 9, 2012

Busy ba talaga? part 2

Mukhang panay ang blog ko ngayon, hahaha! does this mean i'm being busy na? sh*t! Katulad ngayon, hirap na hirap na ako magpahaba sa post na ito na wala namang nagbabasa dahil walang kwenta ang naka-post. Anyway, tingnan nyo na lang ang mga nakapost kung talaga bang busy ako o hinde.


Namasyal kami kanina. Sabi ko kay Cathy sige gagawin ko request mo na kuhaan kita ng lahat ng gusto mong posing para makapagpahinga muna at makalimot sa mga bagay-bagay na aking laging ginagawa kasi nga'y sadyang nakakasawa na din minsan ang mga lakad ko. Nakakaloka nga talaga pero kailangan kong ituloy ang ganito kong buhay. Nakalimot na din me kanina kahit paano dahil na din sa pakikinig sa mga kwento ni Cathy habang kinukunan ko siya, would you imagine anim na taon din bago ulet magkita nito parang walang nagbago sa kanya makulet at masayahin. Pinapili ko siya kung saan nya gustong pumunta sa mall, sementeryo o park, sabi nya bahala daw ako kaso ang napili ko sa sementeryo, ka bad trip daw me ayaw nya sa sementeryo kaya eto yung results ng mga kuha niyaya n'ya na lang me sa Rain Forrest at dito pa sa Pasig, Haaay ewan!!


Kahit puyat at napakainit ng panahon pinilit ko pa ding magkuha, Cool! akala n'yo lang!
... at dahil sa gusto kong magpakuha kay Cathy pinilit ko kumilala ng magkukuha sa amin at eto ay si Mika.

'Di ko akalaing kinukunan ako ni Cathy kanina sa Jolibee nung kumain kami sobrang gutom na gutom me kanina kinain ko lang yata yun Burger Steak ng 20 secs walang lingunan Arrrgh! Sorry nalipasan ako ng gutom kanina.
I brought Cathy on my old house to print couple of pictures. Medyo nahirapan siya mamili umabot kasi ng mahigit 500 plus yung shoot ko sa kanya. Grrr-abe!!! Bukas daw ulet. bahala na.

Ayun lang sleep na'po ako! Masayang pagbisita.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...